ang effort-effort!!! huwaaaah. -- yun na muna nag masasabi ko sa dinadanas namin ni mai sa mga panahon na ito. saka na ang detalye. ahahaha mabitin muna kayo jan.everthing will be written here in time, hokei?! : )
grabe na itO, 227pm na talaga eh, nagba-blog pa rin ako. tsk. maikukumpara itO sa pagco-'coffee' namin ni jemai... BISYO NA 'TOOOO! ahihihihi pero naman kasi mga kaibigan kong tunay, hindi pwedeng hindi ko ibahagi ang aming natuklasan sa apat na sulok ng GLORIETTA. tumpak! maraming madidiskubre sa lugar na iyOn, mangyari lamang na maging mabusisi sa pagmamatyag at pag-oobserba. hindi naman sha mashadong makakapektO sa pagkatao nio o di kaya naman makakapagbago ng inyOng buhay- ngunit, subalit datapwat isa itong dagdag kaalaman. handa na ba kayO?! hehehe
after shift, nagmalling ulit kami ni fren [obviously sa glorietta ano?!]. dahil bibili kami ng mga CDR upang i-burn ang video ng performance nia nung linggo, which by the way one of the reasons why i'm still up blogging. hehehe oh well, habang naghahanap kami ng mabibilihan, may nakita kaming kung anong nakatawag ng aming pansin. isa itong tindahan ng damit and the likes. ang pinagpipitaganang word of "our" [and could be yours too! :)] day: FURLA. ahahahaha
etO sha o...
winner da barge?! ahahahahaha akala nio na ba kung anu na?! churi.. mababw lang talaga kasi ang kaligayahan ko eh! : ) in fairness we can't help but laugh. epekto yata ng puyat ito sa amin. and shempre umandar na ang aming mga imahinasyon. napagtanto namin na ang salitang FURLA ay maaring gamitin sa ating pang araw-araw na pamumuhay. pwedeng ihambing sa 'CHORVA', 'CHOS', 'CHARING' and so on and so forth.. : ) di ba? tama akO? who would've thought na may ganitong salita na nag-eexist sa ating bansa?! actually marami kaming naisip na maaring gamitan ng salitang ito. kasi nga pwedeng substitute sa mga nabanggit ng words sa itaas. di ba mahilig taung: " so, anung ka-chorvahan na naman ba yan ha? " palitan mo lang yung 'chorva' ng furla -- 'anu na naman bang ka-furlahan yan ha? ' OR when pertaining to a small thing, furlilet. kapag stylish edi furlish. at marami pang iba. use your imagination. pwede kayong mag-suggest, write lang kau sa comment. ahehehe hmmm naisip ko rin na pwedeng mag-evolve itong salitang ito sa furliloo or furlilooosh. pwedeng furlala o kaya naman furlaley depende kung saang word or phrase i-susubstitute.. hanu ba itO?! saan ko ba pinagkukuha ang mga ideya ko. kumokorni na ko ng tuluyan.. forgive me.
nung una kong makita yung word, napaisip ako bigla kung ano ang ibig sabihin nito. ito ba ang naglalarawan ng isang bagay o tao na maraming fur OR furry yung may ari... things like that!` ahaha tama na nga baka mademanda na akO. peace po sa mga avid shoppers and owners ng shop na ito, nakakatuwa lang talaga kasi. hayaan nio one time pagsinipag akong gumawa ng feasib about boutiques [as if naman i'm planning to have my own..hmmm but now that i mentioned it, why nOT?!`ehehe], itong shop na ito ang gagawin kong reference. excuse na rin para malaman ang history and what's in the NAME? da barge?! : )
hindi ko ma-dig ang entry na ito. ala na namang ka-sense sense. sorry dear readers [dear readers daw oh? kapaal. ahihihi] i'll come up with a good entry by the next days, yung may sense. sabi ko na titigilan ko na ang magpuyat eh. tsk. talaga naman o.. haaay. so, there
1 comment:
nakakafurlada naman ang mga kafurlalahan dito ha furla... heheheh i like furla and i will use it... furla? furla is the embodiment of nonsense that makes sense!!!! loveyoutoni!!!
Post a Comment