Tuesday, August 16, 2005

Image hosted by Photobucket.com

nagtataka lang ako kung bakit sa tingal-tagal ng panahon eh, may mga tao pa rin mula sa nakaraan ang pilit na bumabalik sa buhay ko. at hindi lamang yung mga taong sinaktan ako kungdi pati ang mga taong may koneksyon sa kanila. hindi naman sa ayoko na silang makita o makausap dahil sa liit ng mundong ito eh imposible yata yun. ang akin lang hangga't maaari ayoko nang maging parte pa ng buhay nila kasi ... bakit nga ba? dahil natatakot na 'ko na baka na sa pangalawang pagkakataon eh may magawa muli sila na masasaktan na naman ako. hindi ko kasi gusto na magalit sa mga taong ito. tama na lang na wala akong balita o wala kaming kinalaman sa isa't-isa. ang sama ba? hindi naman siguro. ang kinaiinis ko pa buti sana kung magpaparamdam ulit sila eh dahil kakamustahin ka pero hindi, isang malaking HINDI! kungdi mang-aasar, may hihingin na pabor. badtrip talaga. ano naman palagay nila sa akin? 'langya talaga o. pero kapag ok lang sila o di kaya naman eh masaya deadma lang. hindi naman sa gusto ko pang ibahagi nila sa akin 'yung mga ganung bagay, pero di ba? nakakainis kapag bigla-biglang guguluhin ang nananhimik mong buhay dahil may kailangan lang sa'yo? hanglabO men.


hmpft. hahayaan ko na lang, ayoko na silang intindihin o pag-aksayahan pa ng panahon, mas maraming bagay na mas importante pa kesa ang intindihin ko pa sila. yun na...

A (Web Copy) Writer's Dream

Write. That's what everybody in my community of other writer says. Write about anything, daily. There are no rules, just allot time - m...