i'm so sorry wala ako sa mood mag-kwento ng weekend getaway namin in matabungkay. anyhow, you can read my friends' blogs about it. hehehe may nagawa na 'kong draft na entry for this kaya lang hindi ko maipagpatuloi kasi kakatamad ewan ko ba? basta we went there for a mission: LASINGIN SI STEFFY! 'twas successful naman kaya lang nagka-allergy sha, she even went to the hospital and was sent home today because of it. [sorry steffy!] masaya naman, sobrang malayo sa stress at sibilisasyon kaya kaka-relax kahit na kulang kulang ang gamit namin. [ and for that, sorry guys!]
oh well, ewan ko ba? pero ngayong araw na 'to nakakafrustrate. tinatamad na naman akOng magtrabaho. naiinis ako dahil hindi naman ako makapag-leave. ginagawa ko naman lahat ng sabihin nila sa akin pero for some odd reason wala talaga, sabi nga ni mommy ko, "anak pag hindi kaloob sau, 'wag ka na umasa.." haaay, mommy talaga o, double meaning ba yan?! hehehe siguro napapagod lang ako at kailangan ko lang magpahinga. went to greenhills today with mai baka sakaling mabawasan ang bwiset ko but noooo, lalu akong nabwiset kasi mali yung binigay nung sales lady sa akin na damit! i like it a lot pa naman.
siguro dala lang ng lamig 'tong feeling ko hwehehe eh halos magkulay talong na 'ko dito, sinabihan na ni pinky si manang guard pero parang hindi nia kami iniintindi. haaaaay. i even hugged arlyne and bryan sa sobrang frustration ko hahaha ang jologs ko talaga!!!! so, there.
No comments:
Post a Comment