Tuesday, March 29, 2005

ANG PRINSIPE KONG HINDI SA AKIN : (

ngayon ang gusto ko ay mag-isip ng ibang bagay. yung walang kinalaman sa trabaho kong mahal [uuugh]. yung tipong maisip ko pa lang ngingiti na ako kaagad. o sha sige na nga gusto kong isipin ang prinsipe kong hindi naman sa akin. haaaay. eh, ano ba naman kasi ang nagustuhan ko dun eh 1 inch lang naman ang tangkad sa akin? hindi lang yun, puro pimples pa. at higit sa lahat he's very comitted sa kanyang almost 5 year relationship. pero kasi kapag ngumiti na sha nawawala na ko sa sarili ko. kapag kinakausap niya ako pakiramdam ko, kaming dalawa lang ang tao sa mundo. haaaay. ano ba ito?
minsan nga nung tumawag siya sa akin, maliwanag pa lang nun pero nang matapos ang usapan madilim na. anung pinag-uusapan namin? wala. kung anu-ano lang. tungkol sa aso, sa sasakyan, sa pamilya ko at pamilya niya. minsan tungkol sa trabaho o tungkol sa pera. kadalasan tungkol sa babaeng mahal niya. aray ko di ba?! eh anu naman ang magagawa ko, at least may dahilan kami para mag-usap at may dahilan siya para gambalain ako sa tuwing matutulog ako sa umaga. haaaaaaay ulit.
paboritong araw ko ang linggo. bakit kamo? kasi hindi lang araw ito ng pahinga ko kungdi araw din na nakikita at nakakasama ko ang aking prinsipe kasama pa ng iba naming mga kaibigan. andyan yung pagdating ko sa tambayan, makaraan ng ilang minuto siya naman ang darating. at kahit 5 oras kami kung mag-usap sa telepono, nakukuha pa namaing pag-usapan ang mga iyon kapag nagkikita kami. saya no?
kailan kaya ako magigising sa kabaliwan ko? alam ko na 'tong ganitong pagkakataon eh. alam kong sa huli ay pagtatawanan ko lang ang sarili ko sa kagagahan ko ngayon o malamang umiyak na naman ako dahil masasaktan ako. naku! huwag naman sana yung pangalawa.

5 comments:

josa said...

minsan sadyang mapagbiro ang tadhana. ang may gusto sa iyo, ayaw mo. ang gusto mo, may iba namang gusto. pero darating din ang tamang lalake para sa'yo. yung swak na swak lang. yung single din. yugn prinsipeng maaaring maging sa'yo habamabuhay, dahil para sa kanya, nag-iisa ka lang na prinsesa sa puso niya.

Anonymous said...

hay nako toni, mahirap mainlove sa taong hindi mo alam kung maiinlove din ba sayo. been there...kainis noh? kainis talaga! minsan mapapatanong ka na lang kung bakit sayo nagbibiro ang tadhana. masakit isipin, pero mahirap talaga yan...

josa said...

hi toni! :)

Anonymous said...

Best regards from NY! Online grades at university of maine saab repair manuel Chubby bangers Crest cadillac Pittman and trial and prozac Free chubby teens movies buy paintballs in bulk Camping kitchens on wheels sweaters with design cccp Centre new york call centers Free heaven black hardcore Low cost airplane tickets to ecuador Baltimore welding rod law suit attorneys katiepillows big boobs Diarios de america latina Large penis and women Big huge busty tits fucking hardcore

Anonymous said...

Keep up the good work Dialog online payment buspar and social anxiety State of michigan securities division Baldness hair loss balding bald links open front bra Free movies videos bikini 95 dodge stealth list of problems Micromini bikini Alcohol+and+paxil levitra vardenafil hcl online - link partners Sauna oss men wearing bras panties custom bra companies Nba and high school university of arizona law cum faces

A (Web Copy) Writer's Dream

Write. That's what everybody in my community of other writer says. Write about anything, daily. There are no rules, just allot time - m...