Thursday, June 16, 2005

ang camper at si judy ann santos

i'm feeling a lot better now :) kaya lang i'm almost an hour late. sheesh. i overslept. oh well that's life. sayang wala pa sana akong late or absence for the month of june, so goodbye performance bonus! haaaay.

sana restday na. di bale 2 days na lang at pahinga na rin sa mga crappy calls na yan. hmmm, anu ba ang gagawin ko this weekend? ay oo nga pala we are going to ps.ccasintahan's baby shower which will be held at jemai's place. so puyatan galore na naman ito.

wala akong maisip na magandang i-share so isusulat ko na lang yung kinuwento ko kay jemai kahapon about my funny experience about judy ann santos and a camper. hahaha sana igalang niyo pa ako pagkatapos niong mabasa ito. well, most of my friends know this kwento na but to those na hindi pa, maloka kau....

incoming 2nd year college student ako nung mga panahon na yun. i have long hair and op cors tabaching ching like i always was. tapos may paintball competition kami nuon sa batangas. so convoy lahat ng mga sasakyan ng players papunta sa site in matabungkay, batangas. one of dad's teammates owned a camper. dun ako nakasakay. so, feel na feel ko naman. shempre first time kong sumakay sa car na ganun. may iba rin akong mga kasama, mga players din na uber kukulit. while we were on our way to the site shempre nagtataka yung mga tao bakit andaming sasakyan na dumadaan. mejo rough road na kasi dun chaka i don't think na umaabot pa ang dyaryo sa lugar na yun hehe. in short, isolated area na sha. eto na sumilip ako sa sun roof nung sasakyan tapos may isang batang lalaki na ewan ko ba kung duleng o malabo lang talaga yng mata nia at pagkakita sa akin biglang nagsisigaw ng... are you ready for this? "SI JUDY ANN, SI JUDY ANN!!!" aba edi shempre naloka ang lola nio no, bigla akong nagtago. at nagulat na lang kaming lahat nung may mga grupo na ng tao na sumusunod sa amin. juskopo! hindi ko tuloy alam kung tatawa ako o magagalit ako dahil tinawag akong judy ann. hahaha sumunod sila hanggang sa makarating kami sa site. malamang inaakala nila na may shootong or something lyk dat! haaay hindi ako nakababa ng mga isang oras dahil natatakot akong ma-disappoint sila or baka bigla na lang nila akong pagbabatuhin at sigawan ako ng "FRAUD!!!" hahaha so, there. funny noh?! and if you're asking kung ano ang ending ng istoryang ito, ayun may ilang nagtiyaga na maghintay pero nung makita na ako parang pinagtampuhan ng bigas at umalis na lang. hehehehe

*grabe sana nararamdaman ni manong na uber lamig na ng buong floor, nagkukulay talong na 'ko sa ginaw deadma pa rin sha.

3 comments:

josa said...

kinuwento mo na to eh..hehe funny pa rin :) juday is dat you?

oo nga. masakit na likod ko, nanuot na ang lamig. sobrang lamig talaga ngayon. parang patay kung patay eh noh.

Anonymous said...

Excellent, love it! » » »

Anonymous said...

Very cool design! Useful information. Go on! » » »

A (Web Copy) Writer's Dream

Write. That's what everybody in my community of other writer says. Write about anything, daily. There are no rules, just allot time - m...