- yung may makaka-tolerate ng kababawan ko?
- yung taong makaka-tiyaga sa kasungitan ko?
- yung makakatagal sa katarayan ko?
- yung may sasaklolo sa akin [ng walang hesitation at yung buong puso] halimbawang maaksidente ako sa kahabaan ng EDSA or kung mahuli ako ng MAPSA, MMDA or ng PNP?
- yung masasabihan ko ng lahat-lahat tungkol sa akin
- yung magtitiyagang makinig sa never ending kong mga kagagahan sa buhay?
- yung magsasabing maganda ako kahit hindi naman. hehehe
- yung magyayaya sa akin na maglakad sa sea shore kapag sunrise?
- yung kahit malasing ako hindi ako pipigilan basta andun lang sha naglalasing din hahahaha
- yung time na ako naman ang magku-kwento tungkol sa latest naming pinagawayan
- yung dadalawin ako sa station ko to say hi, hello buhay ka pa ba? with matching flowers... [hehe OA]
- yung hindi magrereklamo kasi reklamadora ako... hahahaha
- yung aalagaan ako?
- yung ipagdadrive ako pag-uuwe ako sa cavite then back to makati [hahaha driver?!]
- yung pwede kong itext 24/7? dapat naka-gLObe para sulit yung unlimitxt :D
- yung tatawagan ako just to hear my voice and all that jazz?
- yung pwede kong i-harap sa nanay kong makulit at sabihin: MAMA, TOTOO NA 'TO SI [name] PO, BOYFRIEND KO.."
- yung kapag tinanong ako ng mga kamag-anak kong baliw kung may jowa na 'ko ang isasagot ko naman 'MERON NA SA WAKAS'.
- yung time na ako naman ang magkukuwento sa barkada kung saan kami mag-cecelebrate ng monthsary [i know, i know eeeeew]
- yung pwede kong isama sa lahat ng special occasions ng buhay ko?
- yung every now and then eh bobolahin ako with all those sweet words and chenenens? :P
- yung lagi lang anjan kahit hindi ko naman pinapatawag? [wahahaha, yaya?
- yung someone who's always there kahit hindi ko naman sha kailangan?
- yung kapag tinanong ako ng kahit na sino kung sino ang bf ko eh, may pangalan na kong ibibigay bukod sa BEN AFFLECK or BRENT JAVIER or SAM MILBY.. nyeta
- yung time na may taong mag-iisip naman for my sake?
- yung time na totohanin ko na magpapamisa or papa-prescon ako jan sa annabel's kasi may jowa na 'ko finally. hahahaha
- yung time na hindi ko na kailangang mag-day dream na meron akong sfecial someone? [hampathetic noh?]
- yung pagkinilig ako sa sana may sense hindi yung pang-hi school na kilig.. sawa na ko dun eh. hehehe
- yung pwede kong pasahan ng utos sa akin na mag-upload ng pictures!!! ahihihihi
- yung mag-uupload ng mga songs na dedicated for me sa iPod ko. hahaha eeeew
- yung kakanta ng "the last time" [by eric benet] for me.... haaaaaay
- yung may magrereklamong tumataba na 'ko tapos ayaw naman akong papayatin? [grrr]
- yung magsasakatuparan ng 'dream date' ko? [hahahaha yung nasa isa sa mga entries ko here..]
- yung karamay ko sa lahat ng oras?
- yung may taong mahal na mahal ako? [potah pa-cheesy ng pa-cheesy 'tong entry na 'to ah?]
- yung time na ako naman ang masaya? at higit sa lahat..
- kelan kaya akO magkaka-boyfriend??? yun talaga yun eh ahahahaha
-hahaha yun naman.
2 comments:
YOU MADE MY DAY!!! Natawa ako talaga ha! As in!! Kwela ka talaga and I like reading your posts.. Don't worry dadating din sya.. Baka na-traffic lang ;)
sa hinaba-haba ng prusisyon, boypren pala ang ninanais. ;)
dadating yan kung kelan nakita ni Lord na ready ka na. just think din na nire-ready din nya yung guy that He wants for you. ;)
Post a Comment