Monday, April 17, 2006

kelan kaya...

  • yung may makaka-tolerate ng kababawan ko?
  • yung taong makaka-tiyaga sa kasungitan ko?
  • yung makakatagal sa katarayan ko?
  • yung may sasaklolo sa akin [ng walang hesitation at yung buong puso] halimbawang maaksidente ako sa kahabaan ng EDSA or kung mahuli ako ng MAPSA, MMDA or ng PNP?
  • yung masasabihan ko ng lahat-lahat tungkol sa akin
  • yung magtitiyagang makinig sa never ending kong mga kagagahan sa buhay?
  • yung magsasabing maganda ako kahit hindi naman. hehehe
  • yung magyayaya sa akin na maglakad sa sea shore kapag sunrise?
  • yung kahit malasing ako hindi ako pipigilan basta andun lang sha naglalasing din hahahaha
  • yung time na ako naman ang magku-kwento tungkol sa latest naming pinagawayan
  • yung dadalawin ako sa station ko to say hi, hello buhay ka pa ba? with matching flowers... [hehe OA]
  • yung hindi magrereklamo kasi reklamadora ako... hahahaha
  • yung aalagaan ako?
  • yung ipagdadrive ako pag-uuwe ako sa cavite then back to makati [hahaha driver?!]
  • yung pwede kong itext 24/7? dapat naka-gLObe para sulit yung unlimitxt :D
  • yung tatawagan ako just to hear my voice and all that jazz?
  • yung pwede kong i-harap sa nanay kong makulit at sabihin: MAMA, TOTOO NA 'TO SI [name] PO, BOYFRIEND KO.."
  • yung kapag tinanong ako ng mga kamag-anak kong baliw kung may jowa na 'ko ang isasagot ko naman 'MERON NA SA WAKAS'.
  • yung time na ako naman ang magkukuwento sa barkada kung saan kami mag-cecelebrate ng monthsary [i know, i know eeeeew]
  • yung pwede kong isama sa lahat ng special occasions ng buhay ko?
  • yung every now and then eh bobolahin ako with all those sweet words and chenenens? :P
  • yung lagi lang anjan kahit hindi ko naman pinapatawag? [wahahaha, yaya?

  • yung someone who's always there kahit hindi ko naman sha kailangan?
  • yung kapag tinanong ako ng kahit na sino kung sino ang bf ko eh, may pangalan na kong ibibigay bukod sa BEN AFFLECK or BRENT JAVIER or SAM MILBY.. nyeta
  • yung time na may taong mag-iisip naman for my sake?
  • yung time na totohanin ko na magpapamisa or papa-prescon ako jan sa annabel's kasi may jowa na 'ko finally. hahahaha
  • yung time na hindi ko na kailangang mag-day dream na meron akong sfecial someone? [hampathetic noh?]
  • yung pagkinilig ako sa sana may sense hindi yung pang-hi school na kilig.. sawa na ko dun eh. hehehe
  • yung pwede kong pasahan ng utos sa akin na mag-upload ng pictures!!! ahihihihi
  • yung mag-uupload ng mga songs na dedicated for me sa iPod ko. hahaha eeeew
  • yung kakanta ng "the last time" [by eric benet] for me.... haaaaaay
  • yung may magrereklamong tumataba na 'ko tapos ayaw naman akong papayatin? [grrr]
  • yung magsasakatuparan ng 'dream date' ko? [hahahaha yung nasa isa sa mga entries ko here..]
  • yung karamay ko sa lahat ng oras?
  • yung may taong mahal na mahal ako? [potah pa-cheesy ng pa-cheesy 'tong entry na 'to ah?]
  • yung time na ako naman ang masaya? at higit sa lahat..
  • kelan kaya akO magkaka-boyfriend??? yun talaga yun eh ahahahaha

-hahaha yun naman.

2 comments:

ibYang said...

YOU MADE MY DAY!!! Natawa ako talaga ha! As in!! Kwela ka talaga and I like reading your posts.. Don't worry dadating din sya.. Baka na-traffic lang ;)

Anonymous said...

sa hinaba-haba ng prusisyon, boypren pala ang ninanais. ;)

dadating yan kung kelan nakita ni Lord na ready ka na. just think din na nire-ready din nya yung guy that He wants for you. ;)

A (Web Copy) Writer's Dream

Write. That's what everybody in my community of other writer says. Write about anything, daily. There are no rules, just allot time - m...