Thursday, August 09, 2007

Rainy Days

Umuulan na naman... Ibig sabihin panahon na naman ng pag-iinarte. Ano pa nga bang pinakamagandang gawin sa ganitong panhon bukod sa matulog? Eh di ba mag-emote?! Hay.

Minsan naiisip ko bakit ba hindi ako magsawa sa kakaemote? Eh alam ko namang nakaka-ubos ng lakas at nakakapagod sa isip yun? Siguro dahil na rin sa kawalan ko ng mabuting gagawin. Maniwala man kayo o hindi, may listahan na nga ako ng mga pwedeng gawin para maiwasan ang "emote mode" ngunit, subalit datapwat puro gastos naman ang mga ito. Nabibilang sa listahan ko ang pumunta ng malalayong lugar o di kaya naman mag-aral ng photography o mag-pintura ng kwarto ko at marami pang iba. O eh hindi nga ako mag-eemote nun butas naman ang bulsa ko! Talaga naman, watalayp.

Siguro sadya lang akong maarte. Mana ako sa nanay ko. hehehe

2 comments:

Anonymous said...

Kumusta, Towni! I came across your blog randomly. I noticed that you listen to Michelle Branch. I love her! I am half Filipino/Kuwaiti, by the way. I understoon 70% of what you've written, but unfortunately hindi ako alam mag salita nag Tagalog. HEHE... I hope I got that right. =D Nice blog!!!

ToniToni said...

thanks a lot cece... yes u got it all right. :P

A (Web Copy) Writer's Dream

Write. That's what everybody in my community of other writer says. Write about anything, daily. There are no rules, just allot time - m...