Tuesday, May 31, 2005

my birthday tree

i received an e-mail from my friend dimple [hello there dimple!] about birthday trees. and mine was an ASH TREE. nakakatuwa kasi mejo accurate nga sha sa 'king personality. and i'm sure my friends will agree on what the interpretation has to say. read on....
Image hosted by Photobucket.com
Ash Tree (Ambition) -- extremely attractive, vivacious, impulsive, demanding, does not care for criticism, ambitious, intelligent, talented, likes to play with fate, can be very egotistic, reliable, restless lover, sometimes money rules over the heart, demands attention, needs love and much emotional support. [hehe kailangan naka-highlight talaga ito!]

Monday, May 30, 2005

***

in about 3 days imma....
    Image hosted by Photobucket.com
      Image hosted by Photobucket.com
        hehehe happy birthday to me on june 3, 2005! : )

        Friday, May 27, 2005

        wala lang, naisip ko lang naman...

        kaninang umaga nung ako ay pauwi galing opisina, bago pumasok ng gate ng village na tinitirhan ko ay nakasalubong ko ang una kong naging boyfriend. haha hamfanget! parang ang seryoso ng intro un lang pala! : ) anyway, so aun nga nakasalubong ko sha, naisip ko tuloy, 18 years old ako nung maging kami, june 3, 1999. yep! bertday ko. ang jologs, ano un regalo ko sa sarili ko? oh well. siguro nga : ) at naisip ko lang din kung kami pa rin hanggang ngayon eh 6 years na kami sa darating kong kaarawan. hmmm, ayoko. hahaha binati naman nia ako. nag-flash ng killer smile nia na wala ng epekto sa 'kin. [ang baaaad ko talaga!] iba na ang itsura nia ngayon kesa dati, aba eh malamang mga bata pa kami dati [eeeeew] nakakatawa nga eh kasi kahit sha ang una kong naging boyfriend, hindi naman seryoso, yung tipong nakuha lang sa tuksuhan... kainis nga eh, kasi that's not how i wanted my first relationship to be like. BUT NO!!!! ganun sha and hindi ko na mababago yun, unfortunately.
        ***
        which made me think of my past so-called-relationships. now that i'm thinking out of the box [hmmm familiar, eh?] na-realize ko na hindi pa pala ako nagkakaroon ng TUNAY na relasyon. as in! nakakahiya man but yeah, it's true. bah eh pwera na lang kung matatawag mong relationship yung 1 month or 3 months? shempre hindi di ba? haaaay. sabi ng friends ko maghintay lang daw ako. sabi ko naman ng ano?! ng batong ipupokpok ko sa ulo ko pagdating ng araw?! wag na lang no, di bale ng mag-isa at least walang hassle, walang pakialamero sa buhay ko... but then again, malungkot din naman ang walang special someone lalo na pag dumarating ang mga special na araw ng taon, like christmas, new year, yung buset na balentayms day na yan, mga birthdays, fiesta ,holloween, binyagan, kasal, family reunion, basta lahat lahat na. maganda din naman yung bukod sa family and friends, eh we have this other person -special person to share those times with. yung tipong kahit hindi mo naman kailangan anjan pa rin at nagpapa-cute sa 'yo? yung bang bibigyan ka na lang bigla ng flowers kahit santan lang or chocnut anyway it's the thought that counts naman da barge?! yung masasakyan ang kagagahan ko't kababawan? yung magugustuhan ng bunso kong kapatid? am i asking for too much? hindi naman siguro no. tsk. reality check. not gonna happen. so, there.
        ***
        buti na lang restday na, at may activity na naman ang SATURDAY GROUP. hahaha

        Friday, May 20, 2005

        Image hosted by Photobucket.com
        this is my favorite galera picture. this was taken while jemai and i are enjoying the galera sun! : )

        Wednesday, May 18, 2005

        bOys will be bOYs

        no offense sa mga kalalakihan na makakabasa nito... pero mukhang totoo yung sinasabi nila na ang mga lalaki daw sa ngayon ay pare-pareho. yung tipong iisa lang ang uri iba-iba lang ng packaging. ung ganun. bakit ko naman nasabi ito? aba'y kasi naman, meron akong isang kaibigan na [malamang lalake sha..] sabihin na nating nahumaling sa beauty ko [eeew.] at sumumpang mamahalin DAW ako ng sagad hanggang buto niya. na ikamamatay daw nia [ex-XAGGE!] ang lokohin ako. whatever. shempre ang haba ng hair ko ng marinig ko yun, un nga lang mas kilig siguro kung gusto ko rin sha [ika nga ni PIE, "aba! at nakuha mo pang magmaganda jan!" hehehe]. must be wondering who this guy is?
        well, kababata ko sha. his name is BEN. mabait sha, sweet. cute naman in fairness. sobrang crush ko sha dati nung 2nd-year college but unfortunately di nia ko type nun [my bad! hehe]. so to make the long story short, after 4 years, BOOOOM! baligtad na ang mundo. i don't feel the same way towards him no more at sha na ngayon ang ganun. stupid no?! tsk. sayang. baliw kasi kung sana nun pa nia na-realize na ako ang girl of his dreams [hwehehe] di sana hanggang ngayon kami pa rin eh kaya lang he let me slip away [naks! lakas ng loob, haneeep!]. and lately he's been sending me text messages na malolorca kau dahil i never thought that this would happen. he even professed his "LOVE" [daw] for me last holy week [ganda da barge?] only to find out after a month na may kinakalantaran na pala shang ibang girl. winner da barge?! ang sinungaling ko naman kung hindi ko aaminin sa sarili ko na i could've given him a chance - another chance. shempre, bukod sa boto sa kanya ang buong JOQUICO clan [ex-XAGGE!] eh sobrang kilala ko na sha, mula ulo hanggang paa. ngunit, datapwat, subalit isa shang hari ng sablay, wrong move talaga. lalu lang niang pinagtibay ang pagiging feminista ko. har har har. de, seriously, mejo turn-off ako sa nalaman ko. mejo irita din kasi shempre may drama ka pang nalalaman jan hindi naman pala kayang panindigan. nagulat lang ako kasi for me, he's almost perfect, i mean perfect in the sense na sha'y ideal for me [ang selfish...] i know and i feel that he really loves me [for some odd reason..] for who and what i am but then again he's just like every other guy i know. weakling, madaling madala sa temptation, walang isang salita, inutil, imbalido and so on and so forth! [ hwehehe, ex-XAGGE! ulit.]
        oh well, siguro it's a sign na i should stay away from guys for now. [hehehe, AS IF!] i was really disappointed in him, promise. hindi ko inaakala pero sorry, nangyari na ang nangyari wala na akong magagawa. sayang, i was thinking of giving him the chance but then again -- shit happens. ok lang at least i know GOD really loves me, he didn't let me get involved with him -- or should i say with guys like him. so, there.
        on the brighter side of my life, i wish na dumating na si codename: thumb! hehe. [langya ka mabs!] para naman gumanda ang araw ko at mejo maiba ang mood ko sa pagte-take ng calls. napapangiti kasi ako pagdumadaan sha eh. har har har. sana lagi shang mauhaw sha parati para kuha sha lage ng water sa pantry, at shempre dahil lagi shang umiinom ng water madalas din sha shempre ma-weeweewee! meaning punta sha sa cr ng boys, at malamang dahil i'm strategically located makikita ko shang palakad-lakad jan sa tabi-tabi! hwehehehe so, un lang.

        Wednesday, May 11, 2005

        hALo-HaLO

        on our way home this morning, annuh, josa and i heard this song called "do you really want me" by robyn. bigla ko tuloy naalala ang highschool life! : ) we were singing it like no one can see us, hehehe but it was great, i felt good afterwards. while singing the song, nag-flash back ang memories. kung ganu lang kasimple ang buhay dati, kung ganu kasaya. but then i again, reality check.. i'm 23 years old turning 24 in about 23 days! ewan ko ba i'm scared, kasi malapit na ang finish line. *wink* my close friends know what i mean by that, anyway so un na nga finish line na, so what will happen? wenu ngayon? as if naman ikakamatay ko naman ang pagdating ng araw na un? siguro naman hindi. what's the worse that can happen? eh malamang lang na malungkot na naman ako't maawa sa sarili, pero hanggang ganun lang tapos nun tapos na. wala na ulit. move on with mah life ulit ang drama ko hehehe. anyhow, malayu-layo pa naman un and many, many things can happen in a year so let's see.
        ---
        i'm so glad meteor garden's back! as in. solid dao ming si fan ako, who cares about justin or martin? [hehehe naku dami gagalit sa kin nito!] pero anyway, i'm just so glad na meron akong isang dahilan para ma-excite gumising before going to makati and answer crappy calls! : ) gaya nga ng sabi ko kay josa, marinig ko pa lang yung fei de yi na song kinikilig na ko! oa no? but hey yun talaga nararamdaman ko. iniisip ko nga sana totoong may F4 or better yet totoong may dao ming si tapos friends ko sila. ang saya siguro. oh well, as if that could happen. but in case that happens hay nako mag-aala san chai ako para mapansin nila ko! hahaha ang cheesy ng thought hindi bagay sa 'kin. para bang hindi makatotohanan. mantakin mo, sa katawan pa lang hindi na kami pareho ni san chai. hehehe
        ---
        at habang ako'y nanunuod ng meteor garden tumawag ang little prince charming ko. ayoko man sagutin ang phone but it was he's 3rd attempt to try and reach me. followed by a text message saying na:" mukhang busy ka yata hindi mo sinasagot yung cellphone mo?" awwww. shempre nag-guilt trip na naman ako. kahit na gusto kong mag-concentrate sa panonuod eh sinagot ko na ang phone ko. ayun, kwentuhan to the max na naman and yes you are right, about the same topics. in fairness when we are talking about our dads, nagulat ako ng sabihin nia sa akin na ang swerte ko dahil cool ang daddy ko, na buti pa ako kasi masayahin ang tatay ko unlike yung dad nia na authoritative ang dating. mejo strict and stiff. although hindi naman sha galit sa tatay nia sabi nia nakalakihan lang daw talaga nilang magkakapatid ang environment na mejo strikto ang dating. don't get me wrong he loves his dad so much and he respects him too kaya lang natutuwa sha sa daddy ko na mejo joker chaka cool. oh well it runs in the blood i guess : ) but one thing i realized, it made me appreciate my daddy more. gosh, can't wait to get home and hug my daddy. sabi nga nia i'll always be his baby gurl... so, there.

        Thursday, May 05, 2005

        crisis

        i don't feel good today. [lagi naman eh...] siguro dahil bago umalis sila mommy ko eh mag-kaaway kami. tapos puyat na naman ako. ewan ko ba, sana ma-coma ako ng mga 2 weeks para naman makapagpahinga ako ng todo. eh kasi kahit mag-leave naman ako eh gumagana pa rin ang isip ko, so ganun din. ang komplikado pala maging adult. tama yung sabi nila minsan ka lang magiging bata kaya dapt i-enjoy mo na. samantalang dati nagmamadali akong tumanda. haaaay.
        kanina binabasa ko ung blog ng friend ko, naka-relate na naman ako. pareho kami na may iniisip at pinuproblema. katulad nia hindi ko rin makuhang i-share sa iba kasi ayaw ko lang mag-elaborate at nahihiya din kasi akong mag-salita. not only that, when i finally got the courage to tell someone, nagchichiken out naman ako. feeling ko kasi pagtatawanan lang ako chaka baka sabihin lang i'm just being ridiculous and sh*t. hehehe whatever. funny thing, hindi halata dun sa friend kong yun na may iniisip shang problem kasi masayahin sha, i seriously want to help kasi i know the feeling, ang hirap kaya but then again if he shares the same sentiment as mine mahihirapan talaga din shang mag-share. plus ako nga hindi ko matulungan ang sarili ko manggugulo pa ako ng ibang tao? oh well. that's me. mas gusto kong problemahin yung problema ng iba instead of mine.
        **shucks ang aga ng lunch ko, 11pm. first break pa lang nung iba lunch ko na, anyhow yaan mo na i need to be flexible para hindi mag-suffer ang buong team... SHET. parang tunay ah. hehehe**
        on the brighter side of life, dumaan na naman ang isa ko pang crush sa floor! : ) guess who. hehehe basta cute sha and a very neat dresser. kaya lang i'm sure he doesn't even know i exist.. wenu naman keri lang, at least i have something [or someone] to look forward to pagpapasok ako to work everyday. sana hindi sha kagad sumuko sa account namin para magtagal pa sha dito. at pansin ko these past few days eh tenshunado yung client kaya pati she tenshunado rin, good for me kasi lagi tuloy shang palakd-lakad to check on the sups and more importantly to check on with our TM na nasa likod ko lang... hehehehe
        nga pala, excited na akong mag-RD! punta kasi akong silang to get my dog. there enough said! : )

        Tuesday, May 03, 2005

        the EK adventure

        i went to EK last saturday [april 30th] together with my friends in the office [abi, steffy, tenten, jemai and mabs]. though i really don't like amusement parks [kasi duwag ako sa mga rides..] i really had a nice time. super nakakapagod dahil we headed to EK ng halos walang tulog. jemai and i meet up with the rest in coastal mall at around 2pm. shempre on our way picture taking. thanks to steffy's and abi's digital cameras. official soundtrack? NINA live album. very lively no?! hehehe i mean for a group of people na wala pang tulog galing work mas maganda yata na mejo hip-hop-yish ung music namin... : ) i think we arrived in sta. rosa at 430pm.
        ang balak ko talaga ung tig-100php lang na ticket ang bibilin ko kasi hindi naman ako magra-rides but i ended up buying the ticket worth 500php kasi feeling ko maiingit ako sa kanila. unang ride namin sa flying fiesta, ridiculous man pero bago ung ride super kinakabahan kaya ako. ewan ko ba? ang laki kong duwagers... : ) tapos while waiting sa pila to rialto picture taking ulit, hanggang sa loob! pero nung magyaya na sila sa anchor's away, hindi na shempre ako sumama dahil hindi ko un kakayanin, aba lalu naman sa space shuttle kaya mega hintay ako sa mga lola mo dahil shempre mahaba ung pila dun. e2 ang hindi ko natanggihan - LOG JAM. kainis nanginginig talaga ako pagkatapos ng ride na yun. as in. nagmamatapang ako nung una BUT NO! feeling ko katapusan ko na. oa noh? pero totoo un. nuod din kami ng fireworks display that lasted i think about 5 minutes. sabi ni jemai para sa kanya daw un for his recent promotion as QA analyst.. shoray da barge?! [congrats ulit jemai!!!] umalis lang kami nung narinig na namin ung magic words..."the park is now closing" ... saya nga eh, kahit na parang binigyan ko lang yung EK ng 500php [hehehe] dahil hindi naman ako mashadong sumakay ng rides, eh nag-enjoy ako ng sobra because of the people i was with..
        ...at sana hanggang dun na lang yung kwento ko, but no. since nakakaramdam na talaga lahat ng pagod at antok, we decided to buy coffee at starbucks, kahit anung branch basta yung unang starbucks na makita namin. so ayun while driving along south super, i was hearing something funny sa right passenger side ng car but since nina's singing my favorite song dinedma ko lang. nung makakita ako ng SHELL gas station [e2 ha bago ko pa isulat 'to pinagtalunan na namin kung anung gasolinahan kami nagpa-gas at bumili ng coffe, hehehe] nagpa-gas na kami at dahil addict kami ni jemai sa caffeine bumili kami ng kape sa starbucks.. and BANG! pagbalik ko sa car ko nakita kong flat ito! nakakainis!!! kung kelan antok na antok na lahat saka pa nag-inarts yung gulong ko. ang hirap pang palitan, nasungitan ko pa yung kawawang manong na tumutulong sa amin. di bale pagbalik ko dun ililibre ko sha ng kape! hehehe : ) nagkita pa kami ng mga college classmates ko dun pati sila tm dennis , sme espi and friends. matapos ang lahat ng ito hinatid ko na sila. dumating ako sa haus at around 1230am. at sa sobrang pagod ko tulog kagad... ZZZzzzz so, there.

        A (Web Copy) Writer's Dream

        Write. That's what everybody in my community of other writer says. Write about anything, daily. There are no rules, just allot time - m...