Sunday, October 30, 2005

bakit naman walang YM dito?!

eh kaya nga ko nag-bayad ng internet dito dahil gusto kong mag-ym, aba'y akalain mo nga namang yun pa ang wala? bastos devarj?! pero ok na rin yun at least wala na akOng rason para hindi mag-update ng bLog ko... mai and i are here in the same internet place we went before.. yung somewhere in greenbelt internet cafe? wahaha hindi ko alam name nitOng place na ito eh hehehe. so there. anyhoo, andami-dami ko ng gustong ikwentO. as in. hindi ko naman alam panu at saan sisimulan. pero these past few weeks have been pretty interesting! :D
good news!!! mejo hokei na kami ng daddy ko. well, compared naman dati na iwasan galoRe. dead air kung dead air. hahaha at least now, nakakausap ko na sha. though nahihiya pa rin akO sa kanya dahil sa nangyare but i'm slowly [but surely] reaching out and sha din naman. so there. :D
nga pala to ibyang and pao, THANKS A MILLION ha? i was surprised to see your comments. touched akO, salamat talaga. haaay kayo na ipanganak kakambal ng drama at ka-emote an. hahaha phase lang ito, i know lilipas din. thank you again. :D
how do i feel ba ngayon? hmmm owel for one puyat. pero keri lang kasi i had a full body massage kaninang afternoon. saraaaaap. mahal nga lang. hehehe pero it was all worth it. one way to di-stress myself. pero since my pasok na ulit mamaya edi ganun din. haaaay. hmpft. yaan ko na nga. as if anman may magagawa akO, anyway kung di rin naman dahil sa stress na nakukuha ko sa trabaho kong mahal eh malamang wala akong pambabayad ng pang-massage ko wahahahaha koress diba?! seriously, i think i'm doing good. coping. keri naman. haaaaay. minsan panay inarte pa rin pero iniisip ko na lang na sayang ang oras at energy ko kaya let it reap. i'll just go with the flOw. minsan mahirap sumabay sa agos pero dahil wala akOng choice kahit malulunod na 'ko kailangan kong piliting umahon. whew? analogy ba yun? syet. hahaha
maiba naman tau, star studded ang gabing ito para sa akin... kasi nakita ko si juday at ryan sa timezOne g4. ang cheesy man pero kinikilig ako dun sa dalawang yun pwamis.. hahaha well, shempre inggit akO kay juday kasi FINALLY may ryan na sha samantalang akO kahit wowie deguzman wala.. hamfanget devarj?! huhuhu malapit na ang finish line.. ayan lumalayo ako sa usapan, sa ibang entry na lang pala yun ehehehe.. so aun tapos nakita ko naman sa greenbelt 3 si meagan aguilar, tapos si fren kita nia si borgy manotoc.. winner diba? ang dami naming celeb dito ngayon? wahahaha oo kasama talaga kami :D
naisip ko lang.. ang mahal na ng gasolina ha? imagine, 40Php na ang unleaded at 38Php naman ang diesel.. haneeeep. anu ba palagay ng gobyerno sa amin? mayaman? grabe buti sana kung pag-nagpagasolina ako may free na i-pod or foot spa. grabe naman. hindi ko na kinakaya itO. samantalang nuong unang natuto akong mag-drive 50Php lang kung saan-saan na ko nakakarating.. 9Php per liter pa lang ang diesel kasi before... hahaha nahahalata ang age kO. hay nako whatever, sana lang mag-roll back sila or something. suntok ata sa buwan yun ah?!
grabe hindi pa ko nagkukwentO talaga nian ha pero ang dami ko ng naisulat, kahit sa bLog ubod ko ng daldal, kahit walang sense daldal pa rin, hihihih please bear with me :D miss ko nang magsulat....

Thursday, October 20, 2005

wala lang.

hmmm mejo matagal-tagal na rin akong walang post ah? been busy? no, tinamad lang. hahaha pero oo nga pala, hi IBYANG! if you're reading this, thank you for the kind wOrds. tats akO in fairness. i haven't met you [malamang you're there i'm here.. hahaha] pero dahil kababasa ko din ng blOg mo ayan parang i know you na rin. aLways take care of yoursELf and yoUr family!!! hi there lISA! ahihihihi
hindi pa nga kO nagbibihis eh, i mean i just got home frOm work, yeah 2pm na talaga eh... uwian ko is 930am.. owel, nagbreakfast kasi kami nila dempol, mack, zah and bernE. at dahil kaarawan ni mack mamayang alas-dose ng madaling aRaw, gora kami ni zah sa SM BACOOR. wehehe in fairness mga 2 months na kong hindi nakakapag-malling dun. so, there. bakit kamo hindi pa ko nagbibihis? eh kasi ang dami kong gustong isulat baka mawala sa utak ko pagnagpalit na ko ng pajamas! hehehehe
nagbagO na ko tina-try ko ng hindi magdala ng car sa opis. mahirap kasi tamad akOng mag-commute pero kasi ang laki ng natitipid ko minus gas, toll gate at PARKING. yun nga lang nakakapagod kasi taga-cavite pa talaga ako eh no. kaya lang i think dapat masanay na lang ako kung ayaw kong mamulubi. ang planO ko every last day production ako magdadala ng car para pag restday na derechO gala wherever! hehehe owel, let's see kung hanggang kailan ako tatagal...
haaaay nag-iisip ako habang nakatunganga sa bintana ng bus kanina. nasa may Baclaran na kami noon. sabi ko sa sarili ko: "nakakainis talaga ang ugali mo, toNia! kailan ka ba magbabago??!" pero wala akong maisagot sa tanong na yun na mejo matagal ng humihingi ng kasagutan. minsan napapaiyak na lang ako kahit sa daan... badtrip noh? hang drama. pero hindi ko maiwasan. nyeta sana pusa na lang akO. buti pa 'tong si george, [pusa namin..] pahiga-higa na lang. kain-tulog, laboy tapos lub na lub pa sha ng lahat. parang hindi sha nag-iisip o namumublema hindi katulad ko mashadong ma-emote. yung tipong maliit na bagay lang ginagaw kong malaki. simple lang nagiging komplikadO, worse, i know i act like this all the time pero everytime na nangyayare sha hinahayaan ko lang. i'm not doing anything about it. leche di ba? ako rin kumukuha ng batong ipupokpok sa ulO ko.
that's why i hate myself. there, i said it. sorry friends i know maiinis na kayo sa akin dahil i always see myseLF this way. i know hindi kayo napapagod kakaremind sa akin na i'm important too, na may silbi ako sa mundO and i appreciate every pangaral and kind words you say but for some reason hindi ko sha matanggap. para kasing hindi ako deserving, sumting like that. ewan ko kung kanino ko namana 'tong ugali ko na 'to nakakainis di ba?! haaaaay.

Monday, October 03, 2005

aftermath :D

haym baaaack! :D
last week was such a pain in the neck. nakabangga ako ng nanahimik na matandang nagba-bike sa daan, i got grounded, my parents hate me, i almost lost a fren, nobody wants to talk to me in the house because they're all scared na madamay sa kagagahan ko, then there was peer training, irate callers huwaaaaah!!! talk about my life.
last week nag-start at natapos yung peer training. am i certified? i think so.. hehehe saya naman sha though sobrang stress lang dahil nakakapuyat, plus may presentation pa na talagang nakakapressure. haaay but i was able to finish those five days kaya ok na rin. nakapagpresent naman ako kahit na i was shakin and stuttering the whole time. haaaay. first time jitters ba ito? :D at eto pa, friday morning after presentation, uwe na kami ni annuh and her bf tj and we were talking about driving, liscense, violations. sabi ko pa wag na wag sila papahuli sa makati kasi super mahal ng rates ng violations nila. as in. so ayun, kwento pa ko noh, ayan na yellow light na, eh nasa gitna na talaga ko eh no so kahit nag red light na tinuloi ko na thinking i was doing the right thing kasi alangan namang tumigil ako sa gitna di ba? hahaha but NOOO. pinatigil ako ni mamang mapsa sa side ng kalye para bigyan ng ticket. haaaay stress. P2000 lang naman at kailangan kong umatend ng seminar. hellew?! okei lang sha? shempre nagpa-cute ako at nagmakaawa [which i don't usually do, pero dahil kailangan... :D] basta mahabang usuapan ito dahil ayoko magretrieve ng lisensha sa lto utang na loob, ayoko talaga pumila ang ending eh hindi na nia kukunin lisensha ko pero i hafta pay him half nung rate.. huhuhuh P1000 talaga yun eh. tumatawad pa ko but he said no. ang arte. so ayun namigay ako ng isang libo. haaay. sabi ko na lang sa sarili ko na hindi ako yayaman sa P1000, na kikitain ko ulit yun. pero pang-gas ko talaga yun eh.. huhuhu haaay nako yaan na nga natin. bahala na si GOD sa kanya. :D
***
nga pala i won a starbucks gc for "are you serious?". hehe wala lang. ginamit ko na sha in fairness. ahahaha excited?! sumkinda. eh for sure matatagalan bago ako ulit maka-100 sa QA noh so feel na feel ko yung price ko.. thanks mOwna and jeREmy!!! :D
***
nakabangga ako ng tao for the first time in my life. last week. but mang eddie's fine now. may cast yung right leg nia. haaay. the sad part lang nun is that yun na nga lang yung kaligayahan nung matanda, mag-bike pero dahil i was a wreckless driver, ayun, 1 month shang hindi pwede mag-bike and for sure hindi na rin sha papayagan ng mga anak nia. buti na lang mabait yung family nia, well meron shang anak na nagagalit daw sa akin which i totally understand, but most of his kids hindi naman, nagtetext pa nga yung iba sa akin telling me to take care of myself and not to worry about mang eddie kasi he's fine naman. promise i don't want that to happen ever again. sobrang stress. but i'm thankful tapos na sha and the fact na naikwento ko na sha here is one of the signs na somehow i got over it na. my dad still hates me, he still doesn't want to talk to me. sad no? daddy's gurl pa naman ako. well i guess not anymore... funny kasi ako yung taong ayaw na ayaw magkamali pero i always end up doing all the wrongs in life. i hate disappointing my parents [and friends] but i think i always let them down. owel, that's me. tama na ang drama, hindi bagay.
what's the latest buzz ba? hmmm, oh yeah last saturady after shift, we had coffee at starbucks 6750 with mOwna and the morning shifters [hahaha shifters??] ayun, shempre chismisan, kwentuhan, tawanan and picturan. mowna's transferring na kasi sa ibang account [huhuhuhu] kaya we decided to have breakfast with her for [hopefully not] the last time. for pictures, visit suprem0's blog :D tapos mai and i went to greenhills at bumili ng slippers. hahaha dumayo pa talaga ng greenhills devarj?! hehe at nakita namin si imelda marcos there in fairness. complete with her hair do and outfit na parang aatend ng meeting sa kongreso. napaisip tuloi kami ni fren mai kung yung mga bags nia eh original or fake kasi she was scrutinizing a leather bag when we saw her eh. hwehehe whatever. so ayun, ikot-ikot gang mapagod then we decided to call it a day and sleep. shempre nomad ako so nakitulog ako kina mai. hehehe ayaw ko ng mag-sleep and drive you know. hehehe tapos kailangan pa bang i-memorize yan?! gimik sa gabi. same place :D op cors hindi na ko uminom ng beer dahil ayoko ng madisgrasha kaya rootbeer na lang ang ininom ko.. hahaha but i think i had one lang, si jemai pa nag-ubos. so there. mejo drama yung theme namin nung pauwe eh. 'wag ka alala fren, when i'm ready share ko sau lahat. baka sumuko ka sa pag-listen.. hahaha
tapos nung sunday ang original plan ay magsisimba kami ni jemai then coffee. hindi natuloi kasi may transhow sa megamall. we were with tNA and atong.. saya naman pero gusto ko talaga magsimba nun eh pero dahil hindi ako ang driver, wala akong sasakyan wala akong nagawa. ahihihi so paikot-ikot lang kami dun at nakita ko si juddah paolo! haahaay. so, there. end of story. hehehe gang dun na lang talaga yun eh. e2 pa noh, edi we were checking this truck na may magandang sound system sa likod, papunta ako sa malapit to get a closer look, pero dahil masikip at maraming dumadaan hinahayaan ko muna silang dumaan sa harap ko bago ako tumawid, tapos may weirdong guy na dumaan, nakatingin sa akin, tapos napasecond look pa sha then smiled at me na parnag he knows me from somewhere. basta funny. hindi ko alam panu ikwento without demonstration eh pero kakatawa sha, hindi alam kong nang-aasar lang pero whatever he's not cute anyway... ahhahaha ang sama ko. :D after transhow, we planned on watching a movie pero hamfafanget ng palabas so nagkape na lang kami while waiting for tNa and atong to decide kung saan next.ang alam ko sabi nila sa libis daw but for some odd reason we ended up sending jemai home. haaay gulo devarj?! :D
and ngayon, i'm here sa haus updatin' as per QA request. hahaha i can't explain how i feel now, all i know eh it's not so good. drama queen nga eh... maybe i just need sometime off. go away. far away...

A (Web Copy) Writer's Dream

Write. That's what everybody in my community of other writer says. Write about anything, daily. There are no rules, just allot time - m...